Default Thumbnail

4 katao natabunan ng landslide sa Davao Oriental

December 29, 2022 Zaida I. Delos Reyes 327 views

APAT katao kabilang ang isang purok chairman ang natabunan ng landslide bunga ng walang tigil na pagbuhos ng ulan sa Mati City, Davao Oriental nitong Miyerkules.

Isa mga biktima na nakilalang si Cristituto Matigmhsa Casaligan Sr., 62, purok Sanghay chairman ang kumpirmadong patay sa insidente habang pinaghahanap naman ang tatlo pang biktima na nakilalang sina John Gel Paglanson Casaligan, 15; Roberto Palaez Ampo, 52, magsasaka; at Jethro Paglanson Quilat, 14, pawang residente ng purok Sanghay Chairman ng Barangay Don Salvador.

Ayon sa ulat ng Mati City Disaster Risk Reduction and Managaement Office (CDRRMO),naganap ang insidente dakong 10:45 ng umaga subalit natanggap nila ang impormasyon dakong 12:45.

Napag-alaman na inabot ng landslide ang mga biktima habang nangingisda dahilan upang matabunan sila ng lupa sa ilog.

Ang labi ni Casaligan ay natagpuan matapos ang apat na oras na search and rescue operation.

Pansamantala namang itinigil ang isinasagawang search and rescue operation para sa tatlo pang nawawala dahil inabot na ng dilim at itinuloy na lamang kinabukasan.