Default Thumbnail

4 coastal areas, nanatiling positibo sa red tide

June 20, 2023 Zaida I. Delos Reyes 141 views

APAT na coastal areas sa bansa ang nanatiling positibo sa paralytic shellfish poison o “toxic red tide” na lagpas sa itinakdang regulatory limit.

Kabilang sa mga ito ang coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Samar; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR, bawal kainin ang mga shellfish at alamang na mula sa naturang mga baybayin habang ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango.

Paalala ng BFAR, dapat tiyakin na sariwa, linising mabuti at tinanggalan ng mga lamang loob ang mga nabanggit na ligtas kainin bago lutuin ang mga ito.