Default Thumbnail

4 bayan sa NE may bagong police chief

July 25, 2023 People's Tonight 252 views

CABANATUAN CITY–Isang mini-reshuffle ng mga chiefs of police sa lalawigang ito ang ipinatupad ngayon Hulyo, ayon sa Philippine National Police.

May bagong hepe ang Palayan City, ang kabisera ng Nueva Ecija, sa katauhan ni Lt. Col. Chito Macaspac.

Dating hepe ng Nueva Ecija Criminal Investigation and Detection Group si Macaspac.

Sa San Jose City, si Lt. Col. Ariel V. Enriquez ang bagong hepe ng pulis kapalit si Lt. Col. Marlon M. Cudal.

Sa Cabiao, si dating San Isidro police head Major Shariel C. Paulino ang pumalit bilang bagong officer-in-charge ng naturang bayan.

Samantala, itinalaga naman si Major Rammel L. Ebarle bilang officer-in-charge sa San Isidro police station.

Sinabi ni provincial police information chief Captain Franklin D. Sindac na “normal na paggalaw sa puwersa ng pulisya” ang minor shake-up.

AUTHOR PROFILE