4.3 magnitude na lindol tumama sa Burgos
NIYANIG ng magnitude 4.3 na lindol ang Burgos, Surigao del Norte noong Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa earthquake bulletin, bandang alas-9:12 ng umaga naramdaman ang lindol sa silangang parte ng Burgos.
Sinabi ng Phivolcs na tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 19 kilometro. Nauna itong itinaas sa magnitude 4.7 na may orihinal na lalim na 10 kilometro.
Itinaas ang Intensity III sa Burgos, Surigao del Norte mula sa naunang Intensity II.
Nabanggit ng ahensya na ang Intensity III naramdaman ng mga nasa loob ng kanilang bahay lalo na ang mga nakatira sa mataas na gusali.
Samantala, naitala rin ang Intensity II sa Surigao City, Surigao del Norte at Hinundayan sa Southern Leyte.
Walang inaasahang pinsala at aftershocks dahil sa pagyanig, ayon sa Phivolcs.