Workers

379 health workers tumanggap ng tig-P13k-plus allowance

June 18, 2024 Jojo C. Magsombol 201 views

CALAPAN City, Oriental Mindoro–Namahagi ng inaasahang Health Emergency Allowance (HEA) sa mga health workers mula sa 24 na barangay ng syudad na ito.

Alinsunod sa pangako ni Mayor Malou Flores-Morillo, tumanggap ang 379 na health workers para sa 2021 hanggang 2023 ng tig-P13,815.

Personal na nakipag-usap si Mayor Morillo sa mga health workers upang ipaliwanag at pabulaanan ang mga haka-haka tungkol sa HEA.

Ipinarating din niya na bukas ang kanyang tanggapan para sa lahat lalo na sa ikabubuti ng kalusugan ng mamamayan.

Pinasalamatan ni Mayor Morillo ang lahat ng umunawa at patuloy na nagtitiwala sa kanyang pamumuno at nangako siya ng patuloy na serbisyo para sa mga mamamayan.

AUTHOR PROFILE