37-anyos na suspek sa murder arestado sa Lian
KAMPO HENERAL Miguel Malvar–Arestado ng mga pulis-Lian ang suspek sa pagpatay bandang alas-9:25 ng umaga noong Linggo sa Brgy. Malaruhatan, Lian, Batangas.
Kinilala ang akusado na si alyas Julius, 37, na nadakip sa bisa ng warrant of arrest para sa krimeng murder na naganap noong Marso 29, 2023.
Pinuri ni P/Col. Jacinto Malinao Jr., Batangas police provincial director, ang mga pulis sa pag-aresto sa akusado.
“Ang walang sawang pagtutulungan ng mga pulis-Batangas at ng ating komunidad nagbunga ng matagumpay na pagkakahuli sa mga nagtatagong pugante,” sabi ng hepe ng pulisya.