Guinto

32 PUV drivers, operators huli sa paglabag sa health protocols

January 5, 2022 Jun I. Legaspi 223 views

SA unang araw ng pagsasailalim ng kalakhang Maynila sa Alert Level 3, 32 Public Utility Vehicle (PUV) driver at operator ang nahuli at inisyuhan ng show cause order dahil sa paglabag ng minimum health protocols (7 COMMANDMENTS) na naganap sa ibat-ibang lugar partikular na ang Caloocan, Malabon, Pasay, Maynila, at Parañaque.

Ayon kay Atty. Clarence V. Guinto, Director ng Land Transportation Office-Law Enforcement Service, babala rin ito sa mga driver at operator na hindi pa rin sumusunod sa mga policy na inilabas ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon pa kay Guinto, nahuli din sa naganap na operasyon ang isang jeepney driver na positive sa shabu.

Ang driver ay nagtangkang tumakas habang kinakausap siya ng mga Land Transportation (LTO) enforcer.

Nang tinanong siya kung bakit namumula ang kanyang mga mata, bigla niyang hinarurot ang kanyang jeepney para tumakas sa kahabaan ng Rizal Avenue, corner Recto in front of Phil Rabit Bus Terminal. Sakay pa niya ang kanyang mga pasahero na naghiyawan sa pagkabigla at takot.

Pero nahabol siya ng mga LTO enforcer at ito’y nahuli din sa kanto ng Bulacan Streetsa kahabaan ng Rizal Avenue, Manila, saad ni Guinto.

Dinala siya sa Police Station 3, Quezon Boulevard Sta. Cruz Manila at kasulukuyan siyang nakakulong.

Narito ang 7 commandments na kailangang sundin ng mga pasahero.

1) Laging magsuot ng face mask at face shield;

2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono;

3) Bawal kumain;

4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga PUV;

5) Laging magsagawa ng disinfection;

6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19 sa pampublikong transportasyon; at

7) Laging sundin ang panuntunan sa physical distancing (“appropriate physical distancing”).

Huwag po tayong pasaway sapagkat tayo ay iisa sa sakit at magkasabay sa pagbangon, ani Guinto.

AUTHOR PROFILE