Job

300 plus job applicants tanggap sa Caloocan job fair

June 15, 2024 Edd Reyes 117 views

UMABOT sa 318 job applicants ang natanggap sa trabaho sa Kalayaan Job Fair ng Caloocan sa SM Grand Central, isa sa mga events para sa ika-126th na Araw ng Kalayaan.

Naisakatuparan ang job fair sa pagtutulungan ng Public Employment Service Office (PESO) ng Caloocan at ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nilahukan ng mahigit 50 pribadong kompanya na nag-alok ng mahigit 5,000 trabaho sa mga tao.

Binati ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang mga natanggap sa trabaho at hinimok niya ang mga kababayan na samantalahin ang mga trabahong iaalok sa mga susunod pang job fairs.

“Mayroon pa po tayong mga susunod na job fair at iba pang mga programa para sa kabuhayan ng mga mamamayan kaya sana po ay huwag ninyong sayangin ang pagkakataon na magkaroon ng oportunidad na magkaroon ng disente at maayos na trabaho at pagkakakitaan,” dagdag pa niya.

AUTHOR PROFILE