Hero Si QC 4th District Councilor Hero Bautista habang tumutulong sa mga nasunugan

300 kabahayan nasunog sa QC: Konsi Hero kilos pronto!

February 15, 2022 People's Tonight 579 views

ANG dapat sana’y isang masayang araw na pagdiriwang ng Araw ng mga Puso o Valentine’s Day para sa lahat, ay naging kalunos-lunos para sa mga residente sa Roces Avenue sa Quezon City (QC) nang sumiklab ang sunog gabi ng Pebrero 14.

Ang residential area ay binubuo ng mga bahay na gawa sa light materials na naging dahilan sa mabilis na pagkalat ng apoy. Umabot sa ikalawang alarma bago ito naapula ng mga bumbero pasado alas-12 na ng madaling araw.

Tinatayang nasa 300 kabahayan ang naapektuhan ng sunog, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Pauwi na si Quezon City 4th District Councilor Hero Bautista buhat sa isang lamay sa karatig barangay nang ipaalam sa kanya ang insidente. Mabilis niyang ipinadala ang kanyang mga tauhan sa kinaroroonan ng sunog upang bigyan ng mga kumot at banig ang mga residenteng nawalan ng tirahan.

Nagpatupad din ng feeding operation, kung saan ang kanyang opisina ay namahagi ng mainit na sopas para sa mga biktima ng sunog.

Patuloy pa rin ang relief at food operations mula sa opisina ni Konsi Bautista. Bukod sa mainit na pagkain, namahagi din ang mga kawani ng mga health kits na naglalaman ng alcohol, sando, at facemask.

AUTHOR PROFILE