Default Thumbnail

30 sangkot sa BDO heist ipinatatawag ng NBI

January 29, 2022 Jonjon Reyes 331 views

IPINATATAWAG ng pamunuan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 30 pang indibidwal upang magbigay linaw sa Banco De Oro (BDO) hacking.

Ayon kay NBI OIC-Director Eric B. Distor, natukoy ng NBI Cyber Crime Division (NBI-CCD) ang nasabing mga indibidwal sa patuloy nilang imbestigasyon at nangako ito na tuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga insidente ng hacking hindi lamang ng BDO kundi pati na rin ang iba pang mga bangko hanggang sa maparusahan ang lahat ng mga salarin at ang mga ninakaw na pera ay maibalik sa mga account holders.

Pagtitiyak ni Distor sa publiko at bunsod ng pagkaaresto ng limang katao sa sunod-sunod na serye ng operasyon na isinagawa mula January 17-20, 2022 sa Mabalacat, Pampanga at Pasig City ng mga ahente ng NBI-CCD.

Sa limang naaresto, dalawa ang Nigerian national at tatlo ang Filipino na kapwa isinalang na sa inquest proceedings sa Department of Justice noong January 21, 2022 sa kasong Cybercrime Prevention Act of 2012 at paglabag sa Access Device Regulation Act of 1998. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE