Default Thumbnail

30 huli sa riot ng mga bagets

December 21, 2021 Francis Naguit 314 views

AABOT sa 30 individual, kabilang ang tatlong nasa hustong gulang, ang binibit ng mga tauhan ng Manila Police District makaraang sumiklab ang riot ng mga kabataan sa Tondo, Manila , madaling araw nitong Martes.

Ang 27 menor de edad ay dinala sa Department of Social Welfare and Development – Recreation Action Center , habang ang 3 iba pa ay dinala sa presinto para isailalim sa imbestigasyon.

Batay sa ulat ni P/Lt.Col. Harry Ruiz Lorenzo lll, commander ng MPD-Jose Abad Santos Police Station 7, bandang 4:30 a.m. nang sumiklab ang riot ng magkabilang grupo sa panulukan ng Solis St., at Dagupan Ext. sakop ng Brgy.165.

Agad rumesponde ang mga tauhan ni Lorenzo na miyembro ng Tactical Motorized Reaction Unit ( TMRU) at ng mga tauhan ng Hermosa Police Community Precinct at isa isang binitbit ang mga menor de edad sa magkabilang grupo.

Nakarekober ng dalawang patalim, isang icepick, isang balisong, dalawang improvised bombs at apat na firecrackers ang mga otoridad sa riot scene. Nina FRANCIS NAGUIT & JONJON REYES

AUTHOR PROFILE