Parade FLOAT PARADE–Nanguna sina Santa Rosa, Nueva Ecija Mayor Otep Angeles at Vice Mayor Atty. Ethel Angeles-Ramos sa Kolong-Kolong Float Parade sa unang araw ng selebrasyon ng ika-146 anibersaryo ng pagkakatatag ng Santa Rosa bilang bayan noong Huwebes.

3-wk celebration sa Sta. Rosa, NE simula na

August 2, 2024 Steve A. Gosuico 132 views

SANTA ROSA, Nueva Ecija–Simula na ang tatlong linggong pagdiriwang ng ika-146 anibersaryo ng pagkakatatag ng bayang ito sa pamamagitan ng “Kolong-Kolong Float Parade and Competition” na naglalayong ipakita ang masaganang ani ng mga magsasaka.

Ang pagdiriwang noong Lunes nagtapos sa municipal gymnasium at pinangunahan ni Mayor Josefino “Otep” Angeles, Vice Mayor Atty. Ethel Catherine Jean Angeles-Roxas, mga konsehal ng bayan, mga opisyal ng barangay at mga pinuno at empleyado ng pamahalaang bayan.

“Maraming-maraming salamat po sa pakikiisa po ninyo sa atin pong ginagawang selebrasyon ngayong araw na ito, umpisa lang po ito, marami pa po tayong kasiyahan at programang gaganapin para sa ating selebrasyon ngayong Agosto,” sabi ni Mayor Angeles.

Kamisa Chino na puti na may katutubong salakot para sa mga lalaki at katutubong accessories para sa mga babae ang dress motif.

Nakiisa ang lahat ng 33 barangay ng bayan sa “Kolong-kolong Float Parade” at ipinakita ang kani-kanilang mga produktong pang-agrikultura at pagkain.

Kabilang sa mga highlight ng tatlong linggong event ang Dep-Ed Cultural Presentation sa Agosto 2; Libreng Serbisyo sa Agosto 4 (pag-kumpuni ng mga sirang appliances at libreng gupit, manicure, pedicure, eyebrow threading); Araw ng Magsasaka sa Agosto 5; Santa Rosa Got Talent Contest sa Agosto 17 sa 5; ang Binibining Santa Rosa Coronation Night sa Agosto 19; at ang Barangay Night/Gawad Parangal sa Agosto 21.

AUTHOR PROFILE