Fake

3 tiklo sa pekeng yosi

July 22, 2023 Bernard Galang 304 views

ARESTADO ang tatlong lalaki noong Biyernes dahil sa pagbebenta ng mga pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P370,000 sa Bgy. San Vicente, Bacolor, Pampanga.

Sa ulat kay PRO 3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo, kinilala ng Bacolor police ang mga suspek na si Willie Bryan Matic, 26, ng Stall 77 Bulaon, San Fernando City, Pampanga; at Rainier Manangan, 22; at Mark Joseph Manangan, 20, kapwa ng Palapar Sur, Malasique, Pangasinan.

Nasamsam ng mga miyembro ng PIU Pampanga at Bacolor police sa mga suspek ang 30 kahon ng Carnival cigarette, pitong kahon ng Farstar cigarette; P60,000 cash; dalawang cellphone; puting Mitsubishi FB L300 (PEQ 675); at puting Toyota Hi-ace (NFU 2409).

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9211 o Tobacco Act of 2003 ang tatlong suspek.

AUTHOR PROFILE