3 tiklo sa cara y cruz, granada, baril sa Cabanatuan
CABANATUAN City–Arestado ang tatlong lalaki, kabilang ang dalawang tricycle driver, dahil sa paglalaro ng “cara y cruz” at isa sa kanila ang may mas mabigat na kaso matapos mahulihan ng cal. 38 revolver at granada noong Sabado.
Sinabi ni city police chief Lt. Col. Warly C. Bitog na nahuli ang tatlo habang naglalaro ng cara y cruz bandang alas-10:30 ng gabi noong Sabado.
Nakumpiska sa kanila ang bet money na nagkakahalaga ng P892.
Gayunman, nahuling may bitbit na cal. 38 revolver at hand grenade ang 38-anyos na isa sa mga nahuli ng Purok Fortaleza, Bgy, Bangad.