3 syndicated estafa suspects timbog sa Laguna

July 18, 2021 Gil Aman 2253 views

CAMP VICENTE LIM, Calamba City, Laguna – Tatlo sa sampung miyembro ng sindikato ng scammers ang natimbog ng Biñan City Police sa pag-serve nila ng warrant of arrest sa Biñan City, Laguna.

Ayon kay PLt. Col. Giovanni Martinez, hepe ng Biñan police, ang tatlong warrant of arrest ay ipinalabas ni Judge Bernard Villaranto Quijano ng RTC Branch 153 laban sa mga suspek dahil sa kasong syndicated estada.

Sa ulat ni Martinez kay Laguna PNP Provincial Director PCol. Serafin Petalio II, nakilala ang naarestong mga suspek na pawang miyembro umano ng isang pamilya na sina Malaya Gemma Platero, mga anak nitong sina Jessica Mae Lopez Platero at James Rainer Lim Platero, pawang mga residente ng Bgy. San Antonio, Calamba City.

Magkakasunod na inaresto ng pulisya ang mga suspek pasado alas 5 p.m. batay na rin sa ikinasang surveillance operation ng pulisya.

Samantala, nananatili pa rin na nakalalaya ang anim na mgs suspek na nakilalang sina Arnel T. Aratia alyas “Dr. Love”, Pangulo ng AGMC, Lilibeth Alub, Venus Bugarin, Ralph Gonzales, Kim Sasutona alyas “Kimpoy” Jonald Larraquel alyas “Patrick Sy” habang ang isa pa sa kanilang kasamahan ang patuloy na kinikilala.

Sinabi ni alias Mean, mula sa lalawigan ng Rizal, na nag-invest siya sa grupo ng Cirfund ni alyas Rickne na kasamahan ni Malaya dahil kikita ng doble ang kanilang puhunan.

Maganda aniya ang alok sa kanya ni Malaya na isa umanong CEO at certified public accountant kaya tiwala sya at ang iba pa niyang kasamahan.

Subalit makalipas ang ilang buwan ay bigla na lamang umanong naglaho ang mga suspek at natangay ang mga investment ng mga biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PCpl. Ruben Espanola, may hawak ng kaso, umaabot sa mahigit na 6,500 ang nabiktima umano ng grupo.

Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa Biñan City PNP Custodial Cell.

AUTHOR PROFILE