Kulong

3 swak sa selda dahil sa illegal quarrying

October 17, 2023 Steve A. Gosuico 330 views

PEŇARANDA, Nueva Ecija–Nasakote at ikinulong ng mga pulis ang tatlong lalaki dahil sa illegal quarrying sa bayang ito noong Lunes ng hapon.

Nahuli ang mga suspek matapos humingi ng tulong sa mga pulis si Jaime Abesamis, municipal environment and natural resources officer, dahil sa ginagawang ilegal na pagka-quarry ng mga suspek sa Bgy. Sinasajan alas-4:00 ng hapon, ayon kay Major Roderick Corpuz, police chief ng lugar.

Kinilala ang mga nahuli na isang 31-anyos na backhoe operator, ng Bgy. San Josef; at dalawang driver ng trak, na may edad 27 at 37, at kapwa taga-Bgy. Pambuan, Gapan City.

Sinabi ni Corpuz na inaresto ang mga suspek matapos mabigong maipakita ang mga kinakailangang dokumento sa quarrying.

Nasamsam mula sa kanila ang dalawang mini dump truck. Nahaharap ang tatlo sa kasong paglabag sa Republic Act 7942 o Philippine Mining Act of 1995.

AUTHOR PROFILE