3 swak sa droga sa Intramuros, mahigit P.5M shabu nasamsam

December 18, 2022 People's Tonight 206 views

TINATAYANG aabot sa 100 gramo katumbas na nagkakahalaga ng P680, 000 ang narekober sa tatlong suspek na naaresto sa buy-bust na isinagawa Sabado ng gabi sa Intramuros, Manila.

Ang mga arestadong suspek ay nakilala lamang sa mga alyas na Odin aka Boss, 33; Alex, 50, at Ian, 20, anyos pawang mga residente ng Intramuros.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutuerrez, commander ng Manila Police District – Ermita Police Station 5, pasado 8 p.m. nang isagawa ng kanyang mga tauhan sa pangunguna ni Police Major Prudencio Saballo Jr, ng Station Drug Enforcement Unit( SDEU) ang operasyon ng droga sa A. Soriano Street malapit sa A.Bonifacio Drive sakop ng Barangay 655 sa Intramuros Ermita Manila.

Bago ang buy-bust nakipag-koordina muna ang grupo sa tanggapan ng Philippine Drug Enforcement Agency at isang miyembro ng SDEU na nagpanggap na buyer.

Unang nakabili ng isang plastic sachet ng hinihinalanng shabu ang mga pulis sa isa sa suspek

Isa pa sa mga suspek ang nabilhan ng tatlong plastic sachet ng shabu , hanggang sa marekober ang 100 gramo ng hinihinalang suspek sa isa pang suspek.

Ang tatlong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 ay 11 ng Article II ng Republic Act 9165 na walang inilaang piyansa sa kanilang pansamantalang paglaya.

AUTHOR PROFILE