Arrests Arestado ang 3 suspek sa pamamaslang ng isang dayo sa Baseco noong Miyerkules sa isang follow up operation sa nasabing lugar ng Team Paco at SMART. Ang mga suspek ay nakilalang sina Adlai Futo Reyes,Musa Madrasa Akmad, at isang John Mark Ongria. Kuha ni JON-JON REYES

3 suspek sa pagdedo sa dayo sa Baseco arestado

August 21, 2021 Francis Naguit 155 views

TATLONG suspek sa pagpaslang ng isang dayo sa Baseco Compound ang naaresto ng Team Paco na kasama sina PLt. Col.Robert Domingo, MPD Baseco Station 13 commander, at ng Special Mayor’s Reaction Team (SMART) sa pamumuno ni PLt. Col.Rosalino “Jhun” Ibay sa isang follow-up operation sa nasabing lugar Biyernes at Sabado.

Ang biktima na si Efren Castillo, 51, residente ng 72-San Miguel Road, Binondo Maynila, ay naglalakad sa kahabaan ng Block 1, Dubai St, Baseco Compound,nang may sumunod na lalaki at bigla siyang binaril sa likod ng kanyang ulo.

Agad namatay ang biktima.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga kapulisan ng Manila Police District na pinamumunuan ni PBGen. Leo ‘Paco’ Francisco katulong ang SMART Team at District Special Operations Unit sa pamumuno ni PMaj. Cicero Pura at ng mga operatiba ng MDIT-RIU-NCR na pinamunuan ni PCPT. Emmark Dave Apostol kung saan naaresto ang tatlong suspek sa pamamaslang.

Kinilala ang mga suspek na sina Adlai Futo Reyes, 34, ng 13-D Purple St.Don Bosco, Tondo Manila, na nahuli Byernes ng gabi, Musa Madrasa Akmad, 31, ng Block – 15 A Unit 42, Baseco Comp,Brgy. 649 Port Area, Manila na naaresto Sabado ng madaling araw at John Mark Ongria, 22, na inaalam pa kung siya ay kasabwat.

Ang mga suspek ay ikinulong sa MPD Station 13 sa Baseco Compound, Port Area.

Ipinangako ni PBGen. Francisco na nakahanda 24/7 ang Team Paco ng MPD upang mapanatili ang peace and order sa lungsod.

Ayon naman kay PLT COL.Rosalino Jhun Ibay, lagi ding nakabukas ang himpilan ng SMART na matatagpuan sa Manila City Hall.

Nakahanda rin ang SMART A tumulong para masugpo ang krimen sa Maynila at mga kalapit na lugar. Nina FRANCIS NAGUIT & JOM-JON C. REYES

AUTHOR PROFILE