Policewoman

3 Sta. Ana policewoman tumulong sa pagpapaanak

September 29, 2022 Jonjon Reyes 769 views
Policewoman1
Naging maagap ang mga policewoman ng Manila Police District (MPD) Sta. Ana Police Station 6 para alalayan isang 17-anyos na dalagita sa pagsisilang ng sanggol.

TATLONG tauhan ng Manila Police District (MPD) Sta. Ana Police Station 6 ang nagtulong-tulong sa pagsisilang ng isang 17-anyos na dalagita sa mismong himpilan ng pulisya, Miyerkules ng hapon.

Ayon sa ulat ni P/Lieutenant Col. Orlando Mirando Jr., station commander ng MPD Stn. 6, bandang 1:22 ng hapon, nang magluwal ng malusog na sanggol na babae ang dalagita sa isang mahabang bangko lamang.

Dahil dito pinuri ni Mirando at ni MPD Director Andre P. Dizon sina P/Cpl. Michelle F. Manalo, P/Cpl. Anne Clarice Ignacio, at si P/Cpl. Karen Jane Tulabot.

Batay sa report ng pulisya, bigla na lamang sumakit ang tiyan ng batang ina at sinabing kabuwanan na nito.

Matapos ang matagumpay na panganganak, dinala na ang dalagita at sanggol nito sa Sta. Ana Hospital.

AUTHOR PROFILE