Cacdac

3 Pinoy pinalaya na ng Iranian authorites

August 3, 2024 Chona Yu 127 views

PINALAYA na ng Iranian Revolutionary Guard ang natitirang tatlong Filipino seafarers na binihag sa Strait of Hormuz, malapit sa Gulf of Oman.

Sa pahayag ng Presisential Communications Offfice (PCO), sinabi ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na nakauwi na ng bansa ang tatlo.

“Ang magandang ulat dito, hindi lang namin inanunsiyo pero quietly iyong tatlo na natira doon sa MSC Aries, that was seized by the Iranian Revolutionary Guard sa Strait of Hormuz ay nakauwi na – nakauwi na silang tatlo,” pahayag ni Cacdac.

“Iyong tatlo nakauwi kamakailan lamang…noong mga Huwebes,” pahayag ni Cacdac.

Bumibiyahe ang Portuguese MSC Aries sa Strait of Hormuz nang harangin ang barko na may sakay na 25 crew members, kabilang na ang apat na Filipino noong Abril 13, 2024.

Una nang nakalaya ang isang Filipino noong Mayo.

AUTHOR PROFILE