3 MWPs tiklo sa Laguna

February 8, 2022 Gil Aman 118 views

ARESTADO ang 25-anyos na panadero dahil sa kasong 2 counts of qualified rape gayundin ang isang volunteer at isang lalaking may kasong murder sa tatlong magkakahiwalay manhunt operations sa Laguna, araw ng Lunes.

Sa ulat ni Laguna Police acting Provincial Director PCol. Rogarth Campo kay Calabarzon Regional Director PBGen. Antonio Yarra, kinilala ang arestadong suspek na si Jovany Mancay Yedra ng Bgy. Lauang Cupang, Capas Tarlac.

Ayon kay PLt. Col. Paulito Sabulao, hepe ng Sta Rosa Police si Yedra na inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong qualified rape na ibinaba ng Regional Trial Court (RTC) Branch 8 ng Calamba City, Laguna.

Ang akusado ay nakatala bilang no. 7 na most wanted sa Calabarzon.

Sa hiwalay na operasyon ng Santa Rosa Police naaresto sa Bgy. Pulong Sta. Cruz, Sta. Rosa City, Laguna si Dennis Aragon Cantos, 45, volunteer, na residente ng nasabing barangay sa kasong large scale estafa na walang nirerekomendang pyansa na inissue ng RTC Br. 34, Calamba City, Laguna at no. 4 na most wanted sa lungsod.

Samantla sa Biñan City Police station sa pamumuno ni PLt. Col. Jerry Corpuz, Officer-in-Charge na nasakote si Jose Ely Guevarra, 67, ng Bgy. Timbao, Biñan City, Laguna sa kasong murder na walang nirerekomendang piyansa ng RTC Br. 39, Daet, Camarines Norte. Ang akusado ay no. 5 na most wanted sa Bicol region.

Ayon sa pahayag ni PCol. Campo na “Ang mga patuloy na nagtatago sa kamay ng batas ay patuloy na tutugisin hanggang sila ay maikulong, ang mga intervention at operasyon ng Laguna PNP laban sa wanted person ay hindi titigil para sa kaligtasan ng mga Lagunense.”

AUTHOR PROFILE