3 MWPs sapul sa MPD SACLEO

April 22, 2022 Jonjon Reyes 107 views

DAHIL sa patuloy na pinaigting na Simultanious Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ng Manila Police District (MPD), tatlong individual ang nabitag sa iba’t-ibang kaso sa magkakahiwalay na lugar sa Tondo, Maynila nitong Huwebes.

Kabilang ang mga ito sa “Most Wanted Persons” (MWPs) sa area ng Tondo na nakilalang sina Roderick Mabalda, 51, kaanib ng “Batang City Jail” (BCJ), ng Zabala St., Bgy. 32 dahil sa kasong paglabag sa Section 5 (a) ng Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004; Erercie Caballeda, 31, kaanib ng “Bahala Na Gang” (BNG) ng Bagumbong, North Caloocan dahil sa kasong carnapping; at isang Noel Poliarco, 38, miyembro ng BCJ, residente ng Mithi St., Bgy 41 sa Tondo.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo lll, commander ng MPD-Moriones Police Station 2, magkakasunod na inaresto ang tatlong MWP sa area ng Tondo.

Sa bisa ng mga warrant of arrest, iniutos ni Lt. Col. Lorenzo III sa kanyang mga tauhan na agad arestuhin ang mga suspek sa kanyang “area of responsibility” (AOR) sa direktiba na rin ni MPD Director P/Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco na linisin ang lungsod mula sa masasamang loob.

Pinuri naman ni Brig. Gen. Francisco si Lorenzo III at ang mga tauhan nito dahil sa mabilis na aksyon laban sa mga suspek.

AUTHOR PROFILE