3 MWPs sa Kyusi timbog

April 28, 2022 Melnie Ragasa-limena 90 views

INIHAYAG ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Brig. Gen. Remus B. Medina, ang pagkakadakip ng tatlong “most wanted persons” (MWPs) sa bisa ng warrants of arrest sa magkahiwalay na operasyon.

“Binabati ko mga operatiba sa kanilang walang humpay na operasyon laban sa mga taong nagtatago sa batas dahilan para maaresto ang kanilang mga ‘Most Wanted Person’,” pahayag ng QCPD director.