Ibay Makikitang nagbibigay ng pahayag si Police Lt.Col.Rosalino “Jhun” Ibay Jr. kaugnay sa tatlong minutong mabilis na responde sa mga krimen ng mga kapulisan. Kuha ni JON-JON C. REYES

3-minute respond sisikapin ng MPD PS 2

June 29, 2023 Jonjon Reyes 1315 views
Ibay1
Si Police Lt.Col.Rosalino “Jhun” Ibay Jr.habang nagbibigay pahayag kaugnay sa 3 minutong mabilis na responde sa mga krimen ng mga Kapulisan sa kanilang Area Of Responsibility sa Tondo Manila.

SISIKAPIN ng mga tauhan ng Manila Police District-Moriones Police Station 2 na mapabilis sa 3 minuto ang response time’ sa 74 barangays sa Tondo, Manila.

Ayon sa pahayag ni Police Lieutenant Rosalino Ibay, Jr., Station Commander ng Station 2, sisikapin nila ang 3-minute response time sa lahat ng krimen dahil sa direktiba ni MPD District Director Police Bigadier General Andre Perez Dizon.

“Dapat ang mga pulis maging approachable o madaling lapitan, presentable, laging nasa area nila at higit sa lahat dependable o maaasahan, na 24/7 nakabantay sa kanilang mga nasasakupan,” pahayag ni Ibay.

Sa naging pahayag naman ni PNP Chief Police Director General Benjamin Acorda Jr., dapat magkaroon ng tatlong minutong tugon sa krimen kaya kailangan ang presensya ng pulis sa bawat lugar na crime-prone.

Ayon pa kay Ibay, nasa 80% ng pulis ang kailangan nasa labas ng istasyon ng pulisya.

Dapat din na ginagawa ang mga nakaatang na tungkulin sa bawat pulis. Samantala, ang 20 porsiyento ng pulis ang dapat nasa loob ng kanilang istasyon upang tungunan ang iba pang lumalapit sa kanila.

Ipinatutupad din ng kapulisan ang ‘Alert sentinel’ sa lahat ng PCP. Hindi na kailangan sa ilalim ng alert sentinel na nasa loob ng istasyon ang karamihan sa mga pulis. Ang mga police officer ang kailangan nasa labas at nagbibigay ng police assistance sa mga complainants.

Kabilang sa gawain at responsibilidad ng pulis ang ‘Police Assistance Desk’ (PADS) ang makapagbigay ng strategic position para sa police assistance desk.

Mayroon din silang ‘Line Beat Patrol’ na magbigay ng presensya ng pulisya sa mga crime prone areas. Ang ‘Alert Team’ naman ang responsable sa pagmo-monitor sa mga barangay at establishments visitation at iba pang police activities.

Samantala, ang tungkulin ng Tactical Motorcycle Riders Units (TMRU) ang magsagawa ng Oplan Sita, Oplan Bakal at Motorcycle patrol.

Ang lahat ng teams mayroon mga gamit na handheld radio at long firearms.

Naglalayon ang Moriones Tondo Police Station Security na magbigay ng strategic police visibility at presensya ang kanilang nasasakupan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng nasabing lugar.

Dagdag pa ni Ibay, isa rin mabisang pamamaraan ang mabilis na pagtugon ng PNP sa tawag ng pagresponde sa hininging tulong ng mga mamamayan upang maibalik ang tiwala sa kapulisan.

Suportado naman ng Local Govement Unit (LGU) partikular na ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang naturang Shield Security Plan ng Moriones PS-2 para sa kapayapaan at kaayusan ng isang lugar.

Noong Hunyo 26, 2023, nagsagawa ng dayalogo sina General Dizon, PLTCol Ibay, kasama ang mga Section Chief, PCP Commanders, SESPO, SCADS Personnel sa pangunguna ng Police Captain Leonardo Blanco Jr., Chief SCADS, Rev. Pastor Arnulfo Macarangal at Cecille Enriquez, Assistant Principal at mga Barangay Officials sa ilalim ng District 2 City of Manila kaugnay ng Ugnayan ng Kapulisan sa Barangay.

Tinalakay ang mga isyu at concerned sa loob ng kani-kanilang barangay na ginanap sa St Paul Auditorium, St Paul Grade School, Sta Maria Street, Tondo Manila.

Naglalayon ang aktibidad na ito na isulong ang pakikipagkaibigan tungo sa isang progresibo at peaceful workplace upang mapanatili ang maayos na relasyon sa pagitan ng pulisya at komunidad..(NI: JON-JON C REYES)

Photo Caption..3 minutong responde
Si Police Lt.Col.Rosalino “Jhun” Ibay Jr.habang nagbibigay pahayag kaugnay sa 3 minutong mabilis na responde sa mga krimen ng mga Kapulisan sa kanilang Area Of Responsibility sa Tondo Manila.

AUTHOR PROFILE