Default Thumbnail

3 lider ng NPA patay sa engkwentro sa Surigao del Sur

May 14, 2023 Zaida I. Delos Reyes 280 views

PATAY ang tatlong leader ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa Surigao del Sur.

Ito ang kinumpirma ni Maj. Francisco Garello, hepe ng Public Affairs Division ng 4th Infantry Brigade nitong Linggo.

Aniya, nagsagawa ng massive military operation ang tropa ng militar sa Sitio Katarungan, Barangay Lobo, Cantillan nitong May 11.

Ang operasyon ay inilunsad ng mga tauhan ng Army’s 30th at 36th

Infantry Battalion sa ilalim ng 901stInfantry Brigade kung saan nakasagupa ng mga ito ang may 30 miyembro ng Sentro De Grabidad 16 (SDG-16) at remnants ng Weakened Guerilla Front 16 (WGF-16) ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) na nag-ooperate sa Surigao del Sur.

Napatay sa nasabing operasyon sina Alberto Castaneda alyas Justine o JD, commander ng Sandatahang Yunit Pampropaganda 16C of WGF16; Eric Mahinay Colon, alyas Neo, political guide ng Squad 1, SDG-16; at Ranjie Pertos, alyas Goyong vice squad leader of SDG-16, pawang mga nasa ilalim ng NEMRC.

Na-recover sa pinangyarihan ng bakbakan ang isang R4 rifle, isang M16 rifle, isang Ultimax 100, isang AR-18 rifle, at tatlong AK47 rifles.