Default Thumbnail

3 kelot swak sa kulungan sa shabu

July 8, 2023 Jonjon Reyes 207 views

NASA selda na ang tatlong lalaki makaraang matimbog sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Manila Police District-Baseco Police Station 13 Sabado ng madaling araw sa Baseco Compound sa Port Area, Manila.

Nakilala ang tatlo na sina “Jobeth,” 31, helper; “Mande,” 36, construction worker; at “Louie Mark,” 18 binata, na pawang residente ng Aplaya Barangay 649, Baseco Compound, Port Area.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, commander ng Manila Police District-Baseco Police Station 13, bandang 3:10 ng madaling araw nang mahuli ang tatlo ng mga tauhan na nakatalaga sa Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Aplaya 1 sa naturang lugar.

Pinangunahan ni Police Captain Harold Celestra, hepe ng SDEU, ang nasabing operasyon.

Nahuli ang tatlo nang magpanggap na bibili ng shabu ang isang undercover agent

Nang magkaabutan ng droga, kapalit ng ginamit na P500 marked money, inaresto na ang tatlo.

Narekober ang 10 sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 5.5 gramo at may street value na P37,400.00.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Article ll ng Republic Act t 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

AUTHOR PROFILE