Default Thumbnail

3 holdaper timbog sa MPD

July 6, 2023 Jonjon Reyes 362 views

DAHIL sa maigting na police visibility ng mga tauhan ng Plaza Miranda Police Community Precinct ng Manila Police District-Station 3, tatlong hinihinalang holdaper ang nahuli matapos makipag barilan sa mga pulis noong Miyerkules ng gabi sa Quiapo, Manila.

Bago natimbog, nagkaroon muna ng palitan ng putok sa pagitan ng mga tauhan ni Police Captain Rowell Robles, hepe ng Plaza Miranda PCP-MPD PS 3 at ng tatlong suspek.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, Commander ng MPD- Sta.Cruz Police Station, ang mga suspek na sina Joseph Macatangay, 19 ; Anthony Prado, 21, at isang Evamarie Derain, 46.

Batay sa ulat ni Police Staff Sargent Kenneth Relopez, bandang 1:15 ng madaling araw nang magbarilan ang mga pulis at tatlong umano’y holdaper sa Rizal Avenuemalapit sa Paterno Street, Quiapo

Bago ang insidente, isang 34 anyos na lalaki ang hinoldap ng grupo habang nag aabang ng tricycle sa nasabing lugar.

Tinutukan ng baril ang biktima at sapilitan nitong ibinigay ang kanyang mobile phone at belt bag saka mabilis na sumakay sa kulay pink na Yamaha Gravis na walang plaka

Dahil dito agad na nagpasaklolo ang biktima sa mga pulis habang nagsasagawa ng “Oplan Galugad.”

AUTHOR PROFILE