3 drug suspek arestado

August 20, 2021 Francis Naguit 61 views

Pinangunahan ni PCpt. Gil John Lobaton ng Manila Police District (MPD) Police Station (PS) 14 ng Barbosa ang isang buy-bust operation kung saan dalawang suspek ang naaresto.

Arestado si Asniya Diamla y Domado alyas Pillow sa isang buy-bust operation sa Bautista St. kanto ng R. Hildago, Bgy. 383 Quiapo, Manila.

Ang suspek ay nahuli ng 8:45 ng gabi noong Agosto 18 sa paglabag sa Section 5-11 ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasamang nahuli ang nakilalang si Veronica Reyes y Padilla sa buy-bust operation.

Nakumpiska sa dalawang suspek ang anim na piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na may lamang “white crytalline substances” na pinaniniwalaang “shabu” na may bigat na 34 to 35 grams na nagkakahalagang P238,000, one piece coin purse, three pieces genuine P100 bills at ang recovered buy-bust money na genuine P500 bill.

Ang lahat ng ebidensya ay dadalihin at isusumite sa MPD Crime Laboratory. Ang kaukulang kaso ay isasampa laban sa dalawang suspek sa prosecutor’s office.

Samantala, ang MPD PS-6 naman ay nagsagawa ng anti-illegal operation sa kanilang nasasakupan at inaresto si Bernie Bernardo y Monzon, 43, driver at nakatira sa 1746 Quizon St., Makati City.

Ang SDEU PS-6 ay nagsagawa ng drug operation na nagresulta sa pagaresto kay Bernardo. Nakuha sa suspek ang dalawang heat sealed plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline na pinaniniwalaang shabu.

Ang kontrabando ay inilagay sa Crime Lab ng MPD para sa kaukulang pagsisiyasat. Francis Naguit & JonJon Reyes

AUTHOR PROFILE