Calapan

3-day seminar-planning ginanap sa Calapan City College

August 12, 2024 Jojo C. Magsombol 83 views

ORIENTAL Mindoro–Ginanap ang tatlong araw na EduVision 2030: Medium Term Development Planning ng City College of Calapan mula Agosto 7 sa Mangyan Hall ng city capitol.

Isinagawa ang seminar-planning para maka ambag ang Calapan City, sa pamumuno ni Mayor Marilou Morillo, sa pagsulong ng edukasyon sa lalawigan.

Naging speaker sa event ang mga propesor mula sa UP Diliman at De La Salle University na sina College of Education Dean Dr. Jerome Buenviaje, Division of Education, Leadership and Professional Chair Dr. Joel Javiniar, Asst. Professor Emmanuel Manalang at Dr. Cris Raymund Viray.

Sa kasalukuyan, mayroong 2,551 estudyante ang naka-enroll sa City College of Calapan.

Nadagdag kamakailan ang kursong Bachelor in Public Administration sa school na ito. Marami ring naka-enroll sa mga kursong BS Tourism at BS Hospitality Management sa naturang school.

AUTHOR PROFILE