3 Chinese nat’l nambugbog, nanutok ng baril, kalaboso

August 19, 2021 Francis Naguit 100 views

ARESTADO ang tatlong Chinese national matapos mambugbog at manutok ng baril sa isang tricycle driver sa Binondo, Maynila.

Kinilala ang mga naaresto na sina Jialuo Yan, Jimmy Dy, Benson Tan.

Sa ulat ng MPD, kapwa nakainom ang mga suspek nang matyempuhan ng mga operatiba habang nagpapatrolya habang ipinatutupad ang curfew sa Maynila.

Inabutan umanong binubugbog ng mga suspek ang mga biktimang sina Edgardo Perez at Domingo Buela sa kahabaan ng Sabino Padilla St. malapit sa kanto ng Ongpin St., Binondo.

Nanutok pa umano ng baril si Tan sa mga biktima habang hawak diumano ni Yan ang isang gunting.

Binangga pa umano ng minamanehong Mercedenz Benz ni Dy ang tricycle ni Buela dahilan para masugatan ang biktima.

Nakuha sa mga suspek ang FNX-45 firearms na may sampung bala at dalawa pang magazine na may lamang 10 at 8 bala.

Nahaharap ngayon sa patong patong na kaso ang mga naarestong Chinese na itinurn-over na sa General Assignment and Investigation (GAIS) ng MPD-PS 11. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE