3 Binatilyo patay sa tren sa Sta. mesa

August 23, 2021 Francis Naguit 399 views

TATLONG menor de edad ang namatay matapos masagasaan ng tren ng Philippine National Railways (PNR) Linggo ng gabi sa Sta.Mesa, Maynila .

Dalawa sa biktima ay 17 anyos na nakatira sa 581 Bagumbayan, Bacood at 4528 V Fancisco at isang 16 anyos na taga 0173 Peralta St., Sta Mesa, Maynila.

Natunton naman ang mga driver ng PNR train na may body number na 1831 na sina Ronald Antonio at Eric Nase.

Ayon sa ulat ng Manila Traffic Enforcement Unit, binabaybay ng mga biktima ang northbound ng PNR rail road sa Anonas St. nang mahagip sila ng tren dakong 6:25 p.m.

Sa naunang ulat, sinabi ng isang residente na si Adrian Perlas, na hindi kilala sa lugar ang mga biktima at binalak lamang umano nilang maglaro ng basketball ngunit hindi nila batid kung saan tatabi nang marinig ang busina ng tren.

Dahil sa lakas ng impact, isa sa biktima ang napugutan ng ulo. Halos hindi na rin makilala ang kasamahan nito. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON C. REYES

AUTHOR PROFILE