3 bayan sa Bataan pinarangalan sa Nat’l ADAC Performance Awards

December 14, 2022 Christian D. Supnad 110 views

ISA na namang parangal ang natanggap ng tatlong bayan sa Bataan kahapon na ginanap sa The Manila Hotel, Manila.

Personal na tinanggap nina Mayor Jopet Inton ng Hermosa; Dinalupihan Mayor German “Tong” Santos at Pilar Mayor Carlos Pizarro Jr. ang naturang parangal kay DILG Sercretary Benjamin C. Abalos Jr.

Sinabi ni Mayor Inton na ang pagbibigay ng sertipiko mula sa National ADAC Performance Awards ay isang napakalaking karangalan sa Bataan.

“Ito ay pagbibigay pugay para sa huwarang dedikasyon at aksyon sa pagpapatupad ng Anti-Drug Abuse Council dito sa ating Bayan,” ani Mayor Inton.

“Muling napabilang ang Bayan ng Hermosa sa nasabing parangal kasama ang Bayan ng Dinalupihan at Bayan ng Pilar dito sa ating Lalawigan. Layunin nito ang pigilan ang mga kabataan gayun din ang mga nakatatanda sa paggamit ng ipinag babawal na gamot sa pamamagitan ng pagpapahusay ng kanilang kamalayan at pag unawa sa mga nakakapinsalang epekto sa lipunan at kalusugan sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot,” ani Mayor Inton.

“Sama-sama sa patuloy na paglipad ng Bayan ng Hermosa! Maraming Salamat Po,” dagdag pa ng pilotong mayor ng Hermosa.