Barbosa Kasalukuyang nasa himpilan ng Barbosa PS 14 ng MPD ang tatlong arestadong suspek. Kuha ni JON-JON C. REYES

3 arestado dahil walang helmet

January 29, 2023 Edd Reyes 276 views

ARESTADO ng mga kapulisan ng Maynila ang tatlong indibidual na nakasakay sa motorsiklo
matapos masita ng mga tauhan ng Manila Police District Barbosa PS sa hindi pagsuot ng helmet sa panulukan ng Recto Avenue at Legarda Street, Sampaloc, Manila,.

Wala ding maipakitang mga lisensya ang dalawang rider at nahulihan pa ng baril ang isa kanila na nakilalang si Arnold Aguilar, 27, binata, ng Isla Puting Bato, Tondo. Ang dalawang kasamahan nito ay nakilalang sina Jeffrey at Kenneth na pawang residente din ang natimbog.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, Manila Police District- Barbosa Police Station 14 commander, nasita ang tatlo habang nagsasagawa ng “Oplan Sita” ang kanyang mga tauhan bandang 4 p.m.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation), RA 10054 (Motorcycle Helmet Act),si Aguilar at RA 4136 (Driving without License and Registration) at 864-C RO (Concealing of Deadly Weapon) naman ang dalawa nitong kasama.

AUTHOR PROFILE