Default Thumbnail

3 alagang aso dedo sa sunog sa Sta. Cruz

March 20, 2023 Jonjon Reyes 258 views

ISANG sunog ang sumiklab sa isang gusali sa Tayuman, Sta. Cruz, Maynila Lunes ng tanghali.

Ayon sa BFP (Bureau of Fire Protection), nagsimula ang sunog alas 12:55 ng tanghali sa isang limang palapag na residential building sa Almeda corner Tayuman Streets, Sta. Cruz, Maynila.

Umabot ang sunog sa ikalawang alarma at idineklarang fire under control ala-1:39 ng hapon.

Namatay naman sa sunog ang tatlong alagang aso kabilang ang dalawang shitzu at isang “aspin” dahil hindi na nagawang nailigtas pa ng kanilang amo dahil sa kapal ng usok na bumabalot sa buong gusali.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog at kabuuang pinsala.

AUTHOR PROFILE