Default Thumbnail

29 CTGs, 7 ASG, 7 BIFF nalansag ng AFP mula March 10-16

March 19, 2023 Zaida I. Delos Reyes 151 views

DALAWAMPU’T SIYAM na miyembro ng communist terrorist group (CTG), pitong kaanib ng Abu Sayyaf Group (ASG) at pitong kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nalansag ng iba’t ibang units ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa magkakahiwalay na operasyon mula March 10-16.

Ito ang iniulat ni AFP-Public Affairs Office (PAO) chief Col. Jorry L. Baclor.

Ayon kay Baclor, tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa engkwentro ng pinagsanib na pwersa ng 602nd Brigade, 90th Infantry Battalion, 34IB, at pulisya s Pikit, North Cotabato nitong March 11.

Sa parehong araw, dalawa pa ang napatay habang isang kalibre .45 na baril ang nakumpiska ng mga tauhan ng 6IB sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Isang rebelde naman ang naaresto at nakunan ng isang. Cql.45 pistol at granada sa pakikipagbakbakan sa tropa ng 50IB sa Balbalam, Kalinga.

Nitong March 15, isang rebelde rin ang napatay sa engkwentro sa pagitan ng 98IB sa Balbalan, Kalinga at isa ang naaresto mg 2ID at PNP sa Bongabong, Oriental Mindoro.

Nakuha mula sa kanila ang matataas na kalibre ng baril tulad ng M16 rifle, M653 rifle,at tatlong anti-personnel mines.

Sa sumunod na araw, sumuko ang isang rebelde sa militar matapos maipit sa bakbakan sa Prosperidad, Agusan del Sur. Isinuko din ng rebelde ang 5.56mm R4 Norinco Carbine rifle na may M203 grenade launcher, iba’t ibang ammunition, at war materiel.

Samantala, naaresto din ng pinagsanib ng pwersa ng 2IB at PNP ang bomb expert ng mga rebelde at isang tauhan sa Placer, Masbate. Nakuha mula sa kanila ang isang. Cal.45 pisto, sampung improvised hand grenades at tatlong anti-personnel mines.

Naaresto din ang dalawang mataas na opisyal mg rebelde sa Cabadbaran City, Agusan del Norte, noonv March 11 at nakumpiska ang 0.45mm caliber Rock Island, .9mm caliber Taurus, illegal drugs, ammunition, at ibang war materials.

Nakapagtala rin ang AFP ng mga miyembro ng komunistang grupo na lusang loob na sumuko sa gobyerno.

Sa Basilan, isang ASG ang sumuko sa 64IB sa Sumisip, Basilan March 12 T isinuko din nito ang kanyang cal. 30 M1 Garand rifle at one clip magazine na may ammunition.

Sa Sulu, anim na AGG ang sumuko sa 32IB sa Patikul, Sulu,noong March 15.

Isinuko ng mga bandido ang isang M16 Elisco rifle, M1 Garand rifle, M203 grenade launcher, carbine rifle, at M16 rifle.

Tatlong miyembro naman ng BIFF at apat na moyembro ng Karialan Faction ang sumuko din noong March 15 sa Datu Piang, Maguindanao del Sur.