263

263 na baril nakumpiska sa CALABARZON

December 3, 2023 Jojo C. Magsombol 122 views

KAMPO BRIG. HENERAL Vicente P. Lim, Canlubang, Laguna– Umaabot sa 263 na sari-saring baril ang nakumpiska ng Police Regional Office 4-A sa gun ban kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa buong CALABARZON, ayon kay regional PRO-4A public information office chief PLt. Col. Chitadel C. Gaoiran.

Sinabi ni PRO 4-A Director Police Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas na mula sa 381 na operasyon ang mga nasamsam na baril mula Agosto 28 hanggang Nob. 29.

Bukod sa mga baril, nakumpiska din ng mga pulis ang mga replika ng baril at hindi kilalang armas, 116 bladed weapons at 11 iba’t-ibang pampasabog.

Umaabot sa 1,346 na iba pang mga items ang nasamsam sa mga operasyon, sabi ni Lucas.

“Ang komprehensibong diskarte na ito ay may mahalagang papel sa pagtiyak ng pangkalahatang kaligtasan at tagumpay,” dagdag ni Lucas.

Nasa 398 na tao na sangkot sa iba’t-ibang election-related offenses ang nahuli at 324 na kaso ang isinampa sa korte laban sa kanila.

Nagpasalamat si Lucas sa mga partner na mga ahensya at sa publiko dahil sa mapayapang halalan.

“Naging matagumpay tayo dahil sa ating ‘Serbisyong Nagkakaisa.’ Hindi namin magagawa ito kung hindi dahil sa inyong pakikipagtulungan at suporta,” sabi ng heneral.

AUTHOR PROFILE