Medical

2,500 pasyente nakinabang sa San Pablo medical mission

February 16, 2025 Gil Aman 174 views

NASA 2,500 pasyente mula sa 80 barangay sa San Pablo City, Laguna ang nabigyan ng serbisyo medical noong Sabado sa pangunguna ni Laguna 3rd district Rep. Loreto “Amben” Amante.

Kasabay ng medical mission ang laboratory examination para sa mga senior citizen na pasyente na walang kakayahang gumastos ng malaking halaga.

May 130 doktor at mga nurses na nag-aassist sa mga pasyenteng nagpapagamot na isinagawa sa central gymnasium sa lungsod.

Sinabi ni Congressman Amante na hindi lamang sa panahon ng election ang kanyang pagsasagawa ng medical mission.

AUTHOR PROFILE