Farmers

244 farmers sa Batangas dumalo sa forum sa Korea

October 7, 2023 Jojo C. Magsombol 165 views

DUMALO sa Post-Arrival Forum and Evaluation ang 244 na magsasakang taga-Batangas sa Korea bilang bahagi ng kasunduan ng Batangas Seasonal Farm Workers Program at ng ChunCheon City, South Korea.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG)-Batangas Provincial Director Allan V. Benitez, mapalad ang lalawigan sapagkat iilan lamang na mga local government units sa buong bansa ang may ganitong programa.

Hinimok ni Provincial Agriculturist Dr. Rodrigo Bautista ang mga farm workers na dumating noong Setyembre na gamitin sa Batangas ang mga bagong kaalaman at teknolohiya sa pagtatanim na natutunan nila sa Korea.

AUTHOR PROFILE