242 nakapasa sa August 2023 Mining Engineers Licensure Exam
https://drive.google.com/file/d/1Ouw_mw6kIzu-eUq0HmL-BHkPiZzlSHIj/view
INANUNSYO ng Professional Regulation Commission (PRC) na may 242 sa 351 mga examinee ang nakapasa sa August 2023 Mining Engineers Licensure Examination — o kabuuang 68.95 porsyento.
Nanguna sa naturang board exam si John Mekko Ostonal Payonga mula sa Bicol University – Legazpi, matapos makakuha ng markang 88.40%.
Samantala, tinanghal na nangungunang paaralan ang University of the Philippines-Diliman matapos itong magtala ng 100 percent na overall passing rate.
Isinagawa ang nasabing pagsusulit mula Agosto 22-24 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Baguio, Cebu, Davao, at Legazpi.
“The members of the Board of Mining Engineering who gave the licensure examination are Hon. Ramon N. Santos, Chairman; Hon. Rufino B. Bomasang and Hon. Augusto C. Villaluna, Members,” anunsyo ng PRC.
Ang buong listahan ay makikita sa journalnews.com.ph