Default Thumbnail

23 yrs nagtago timbog sa parak

July 7, 2023 Jonjon Reyes 280 views

SWAK sa swelda ang isang 42-anyos na tambay matapos ang halos 23 taon na pagtatago at maaresto sa bisa ng arrest warrant dahil sa kasong serious physical injury umaga ng Huwebes sa Maynila.

Nakilala ang suspek na si “Riche,” may asawa, at residente ng tenement building sa Punta, Sta.Ana, Manila.

Base sa ulat ni Police Captain Jerry Campo, bandang 8:40 ng umaga nang maaresto ang suspek sa Antonio Villegas Street, Ermita, Manila.

Nahuli ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Vicente Hidalgo ng Regional Trial Court Branch 37 ng Maynila.

Halos 23 taon nagtago sa batas ang suspek sa kasong serious physical injuries.

Pansamantalang nakalaya ang suspek makaraang mag-piyansa ng P6,000.

AUTHOR PROFILE