Default Thumbnail

22 suspek nalambat sa Laguna anti-drug ops

June 3, 2023 Gil Aman 194 views

KAMPO HENERAL PACIANO RIZAL – Umabot sa 22 personalidad na may kinalaman sa iligla na droga ang naaresto sa isinagawang dalawang araw na anti-illegal drugs operations sa lalawigan ng Laguna, Hunyo 1-2, 2023.

Ito ang nabatid kay Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, acting provincial director, sa pagtugon sa direktiba ni PRO (Police Regional Office) Calabarzon (Cavite/Laguna/Batangas/Rizal/Quezon) director PBGen. Carlito M. Gaces at PNP (Philippine National Police) chief Gen. Benjamin C Acorda Jr. na paigtingin ang implementasyon laban sa iligal na droga sa tulong at kooperasyon ng mga mamamayan, lalong-lalo na ang Barangay Intelligence Network (BIN) sa iba’t-ibang lalawigan ng Laguna.

Ang dalawang araw na operasyon ng Laguna PNP ay nagresulta sa pagkaka-aresto ng 22 suspek sa isinagawang 18 operasyon sa buong probinsiya, na kung saan nakumpiska ang humigit-kumulang sa 12.85 gramo ng shabu na nagkakahalaga na aabot sa P87,380.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng kanya-kanyang operating units ang mga naarestong suspek habang ang mga kumpiskadong ebidensya ay isusumite sa crime laboratory para sa forensic examination.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“Ang operasyon ng Laguna PNP kontra iligal na droga ay patuloy na isinasagawa sa buong Lalawigan ng Laguna. Ipinapaabot ko ang taos-pusong pasasalamat sa mga mamamayan ng Laguna sa pakikipagtulungan sa ating mga kapulisan upang mapapabilis ang pagkakahuli sa mga drug personalities sa buong lalawigan. Ang pagtutulungan ng kapulisan at mamamayan ang daan tungo sa hinahangad nating kaayusan,katahimikan, kapayapaan at maunlad na Lalawigan ng Laguna,” pahayag ni Silvio.

AUTHOR PROFILE