Bacolod

22 estudiyante hinimatay sa ‘colored smoke’

May 31, 2023 Zaida I. Delos Reyes 229 views

DALAWAMPU’T- DALAWANG college students ang hinimatay matapos makalanghap ng “colored smoke” na ginamit sa presentation ng isang grupo ng mga estudiyante sa Bacolod City.

Ayon sa inisyal na ulat ng PNP, nasa activity center para sa isang Physical Education culmination event ang mga estudiyante ng Bacolod City College (BBC) nitong Lunes nang makalanghap ang mga ito ng colored smoke na ginamit sa props.

Ang mga biktima ay nakaranang ng anxiety attack, nahirapan huminga at nahimatay.

Sinabi ni City Administrator Pacifico Maghari III na pito sa mga estudiyante ay dinala sa medical facilities kasama ang lima na isinugod sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital.

Sa ngayon ay mga estudiyante ay nasa maayos ng kalagayan.

Tiniyak naman ni BCC administrator Johanna Ann Bayoneta na lahat ng mga naapektuhang estudiyante ay nabigyan ng first aid treatment.

Napag-alaman na ang presentation na ginamitan ng colored smoke ay bahagi ng final performance para sa grupo ng mga freshmen students na enrolled sa PE classes.

Gayunman, nilinaw ni Bayoneta na hindi pinapayagan sa loob ng campus ang paggamit ng smoke-producing props kasama ang smoke at fog machines.

“I asked the concerned group of students if they were required to bring those props and their reply was negative. Probably in their excitement, they brought it not even knowing these were dangerous and were not for indoor use,” paliwanag ni Bayoneta.