21 paaralan kumasa sa TikTok challenge ng Caloocan

September 18, 2021 Edd Reyes 270 views

MAY kabuuang 21 pampublikong paaralan ang kumasa sa hamon para sa “Lodi kong Dancer sina Ma’am at Sir” TikTok challenge ni Caloocan City Councilor Vince Hernandez.

Ang patimpalak ay pagkilala sa sakripisyo at pagsisikap ng mga guro na maisulong pa rin ang pagkatuto sa kabila ng kinahaharap na hamon na pandemya at bilang pagdiriwang ng World Teachers’ Month.

Ang “Lodi kong Dancer sina Ma’am at Sir” TikTok Challenge ay limitado lamang sa mga guro sa District 1 ng Caloocan City habang inaayos pa ang pa-contest sa District 2 at 3.

Kabilang sa mga kumasa sa hamon ang Antonio Luna Elementary School, Antonio Luna High School, Antonio Uy Tan Senior High School, Baesa High School, Bagbaguin Elementary School, Bagong Barrio Elementary School, Bagong Barrio National High School, Bagong Silang High School, Bagumbong Elementary School, Bagumbong High School, Benigno Aquino Jr. High School, Camarin Elementary School, Camarin High School, Caloocan National Science and Technology High School, Congress Elementary School, Deparo Elementary School, Llano High School, Rene Cayetano Elementary School, Sto. Nino Elementary School, Talipapa High School at Urduja Elementary School.

Mula sa 21 entries, pipili ng top five entries na maglalaban sa ikalawang bahagi ng patimpalak.

Ang mga ito ay pipiliin sa pamamagitan ng 20 percent concept, 20 percent choreography at 10 percent creativity na mula sa mga hurado at 50 percent popularity na magmumula naman sa heart react sa Facebook Page ng Convinced Army.

Ang popularity phase ng TikTok challenge ay sinimulan noong September 13 at nagtapos kahapon, September 18, habang nagkaroon na ng deliberasyon ang mga hurado sa mga entries.

Sinabi ni Hernandez na mahalagang maipadama rin sa mga guro ang pasasalamat at pagkilala sa lahat ng kanilang mga ginagawa, lalo ngayong panahon ng pandemya.

“Ang ating mga guro sa ngayon ay hindi lamang nagsisilbing pangalawang magulang ng mga estudyante bagkus sila ay kabilang sa ating mga bagong bayani ngayong panahon ng pandemya,” saad ni Hernandez.

Ang mananalo ay iaanunsyo kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day sa Oktubre 3.

Ang grand winner para sa TikTok Challenge ay tatanggap ng P30,000 habang ang 1st runner up ay may premyong P20,000 at P10,000 sa 2nd runner up, bukod pa sa mga surprise prizes sa iba pang lalahok.

AUTHOR PROFILE