Wedding ‘TIL DEATH DO US PART–Ang 21 couples na ikinasal sa mass wedding ng local government ng Imus noong Hunyo 19 sa Function Hall, 4th Floor ng New City Hall building sa Malagasang 1-G, Imus City, Cavite. Kuha ni Dennis Abrina

21 mag-jowa ikinasal sa Imus mass wedding

June 22, 2024 Dennis Abrina 281 views

IMUS CITY, Cavite–Dalawangpu’t isang mag-jowa ang nagsabi ng “I Do” sa mass wedding noong Hunyo 19 sa function hall ng New Imus City government center sa Brgy. Malagasang 1-G.

Pinangasiwaan ni City Mayor Alex ‘Double A’ Advincula bilang solemnizing officer ang Kasalang Imuseño kasama si Rep. Adrian Jay ‘AJ’ Advincula.

Habang binasbasan ni City Hall Deputy Chaplain Ramil Ilano ang mga newly wed couples, nakatanggap sila ng unan, appliance at monetary gift mula sa lokal na pamahalaan.

Sa tala ng city civil registrar, may 527 magkabiyak ang naikasal sa programang Kasalang Imuseño na nagsimula noong August 2022.

AUTHOR PROFILE