Martin

2024 budget magpapalakas sa produksyon ng agrikultura, magpapababa sa to gastos sa transportasyon.

August 2, 2023 Mar Rodriguez 226 views

INAASAHANG tutugunan ng panukalang P5.768-trillion 2024 national budgetang pagpapataas sa produksyon ng agricultural products gaya ng bigas at mais at mapababa gastos sa transportasyon ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez.

“The national budget will provide increased allocations for the Department of Agriculture’s banner programs to boost the production of prime commodities such as rice, corn and high-value crops, and fisheries among others. Higher investments will also be provided for the construction of more fish ports and farm-to-market roads all over the country,” sabi ni Speaker Romualdez.

Palalakasin ng Build Better More Program ang mataas na investment sa imprastraktura para mapababa ang ng gastos sa transportasyon at logistics.

“As such, the bulk of the infrastructure budget will be allocated for physical infrastructure aimed at improving connectivity throughout the country through the construction of accessible road networks and railways. Significant funding support will also be provided for the construction of social infrastructure such as school buildings and health centers,” aniya.

Kasama rin ani Speaker Romualdez sa panukalang pambansang pondo ang alokasyon para sa programa ng mga lokal na pamahalaan sa agrikultura, fisheries, digitalization at infrasctructure development

Tema ng pambansang pondo ng Marcos Jr. administraton sa susunod na taon ay “Agenda for Prosperity: Securing a Future-Proof and Sustainable Economy.”

Ayon sa House leader ang 2023 budget ay idinesenyo upang lalo pang sumipa ang mataas nang growth trajectory ng bansa lalo ang target ng Pilipinas na makamit ang upper-middle-income status pagsapit ng 2025 at habang pinapanatili ang matatag na financial position.

“The primary expenditure direction will continue to be anchored on the 8-Point Socioeconomic Agenda in the near term and the Philippine Development Plan 2023-2028,” dagdag pa ni Speaker Romualdez

Nananatili rin aniyang prayoridad ang sektor ng edukasyon salig sa Saligang Batas kung saan 16 porsyento ng kabuuang pambansang pondo ang inilaan o katumbas ng 3.3 percent na pagtaas sa alokayson.

Bunsod ito ng dagadg pondo para sa Basic Education Facilities Program, School-Based Feeding Program, instructional materials, at iba pang learning resources.”

“The health sector will have ample budget support for programs that provide accessible and inclusive public health services. Specifically, a higher allocation will be provided for the National Health Insurance Program, which aims to subsidize the health premiums of the vulnerable sector pursuant to the Universal Health Care Law,” diin ng House Speaker

Nakapaloob din sa pondo para sa susunod na taon ang mas malaking budget para sa social protection gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, pensyon oara sa indigent senior citizens at supplementary feeding o pamamagahi ng hot meals sa may dalawang milyong mahihirap na kabataan.

Popondohan din ng gobyerno ang renewable energy projects para punan ang 35-percent ng power mix pagsapit ng 2030, ay mapailawan ang laht ng barangays pagsapit ng 2028.

Kasama rin sa pinaglaanan ng budget ang mga bagong banner program ng pamahalaan gaya ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program at Philippine Food Strategic Transfer and Alternative Measures Program maliban pa sa climate change programs at pagkamit ng bureaucratic efficiency at mas maayos na fiscal management

May sapat din aniyang bahagi sa national budget ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Marawi Siege Victims Compensation Program para asistehan ang mga residente na nawalan o na siraan ng ari-arian dahil sa Marawi siege noong 2017.

AUTHOR PROFILE