Default Thumbnail

20 high school students sa N. Cotabato positibo sa dengue

June 7, 2023 Zaida I. Delos Reyes 199 views

AABOT sa 20 high school student sa M’lang, North Cotabato ang nagpositibo sa dengue.

Ang mga estudiyante ay mula sa New Rizal High School na matatagpuan sa bayan ng M’lang.

Sinabi ni M’lang rural health unit dengue coordinator Minerva Suriaga na 27 estudiyante ang unang nagpakita ng sintomas ng sakit na dengue tulad ng lagnat at pagkakaroon ng skin rashes subalit 20 lamang sa kanila ang nagpositibosa sakit.

Sinabi ni Suriaga na mayroong maliit pond na may nakaimbak na tubig malapit sa eskwelahan na inabandona na maaring pinamumugaran ng mga lamok.

Ito aniya ay matatagpuan sa loob ng isang hindi okupadong private lot na malapit lamang sa eskwelahan.

“There’s a pond near the school and the water there is stagnant,” pahayag niSuriaga.

Sa ngayon, nagsagawa na umano ng fogging operation ang pamahalaang bayan upang mabawasan ang mga lamok.

“We already conducted a fogging operation to contain the spread of the virus,” dagdag ni Suriaga.

Sa datos ng Municipal Health office, mula January hanggang May ay nakapagtala sila ng 46 kaso ng dengue, mas mababa kumpara sa naitala noong nakaraang taon sa parehong panahon na 64 na kaso.