Suspect Ang mga naarestong suspek na nakilalang sina Jimmy Santisima 31, at Edito Pan 41., Photo by:Jon-Jon Reyes

2 vendor ng negative swab test results, vax cards huli sa Quiapo

September 7, 2021 Francis Naguit 385 views

ARESTADO ang dalawang lalaki dahil sa pagbebenta umano ng pekeng vaccination cards at negative swab test results para sa COVID-19 sa isinagawang raid ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) headquarters at Station 3 sa 968 R.Hidalgo St, Quiapo, Maynila.

Pinangunahan nina PMaj. Carlo Lonosa, hepe ng DPIOU, sa ilalim ng pangangasiwa ni PCol. Levi Hope Basilio, chief ng DID/D2 ng MPD ang operasyon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Jimmy Santisima, 31, at Edito Pan 41,.

Ayon sa MPD Station 3, nakatanggap sila ng impormasyon tungkol sa isang tinadahan sa Hidalgo, Quiapo na nagbebenta ng mga pekeng vaccination cards at negative RT-PCR results.

Nakumpiska ang mga ginagamit na template mula sa mga suspek.

Ang mga suspek ay agad na dinala sa MPD-headquarters para sampahan ng kaukulang kaso.

Pinuri ni MPD Director PBGen. Leo M.Francisco ang kanyang mga kapulisan na sina PMaj. Lonosa at PCol. Basilio, ng MPD TEAM PACO, at maging sina PLT.Col. John Guiagi at PCap. Jervies Soriano ng MPD Statiin 3 dahil sa matagumpay na operasyon.

Ayon pa kay Francisco, inaasahan niya ang patuloy at pursigidong kampanya ng kanyang mga kapulisan hindi lamang laban sa mga taong gumagawa at nagbebenta ng mga pekeng vaccination cards at RT-PCR kundi pati na rin sa mga taong bumibili at gumagamit ng mga ito. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE