Tulak HULI–Iniharap ng mga pulis ang dalawang suspek na nasakote sa pang-iingat ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P380,000. Kuha ni Jon Jon Reyes

2 tulak huli sa 300k na shabu

July 13, 2023 Jonjon Reyes 2713 views

MAHIGIT P380,000 halaga ng lligal na droga ang narekober sa dalawang miyembro ng Bahala Na Gang (BNG) sa buy-bust operation Huwebes ng madaling araw sa San Andres St. malapit sa Adriatico St. Maynila.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Salvador Tangdol, Commander ng Manila Police District-Malate Police Station 9, ang dalawang suspek na sina Joel Boco, at Rolando Hicks Jr., kapwa 42 anyos at residente ng Leveriza Street, Malate.

Naaresto ang dalawa nang tanggapin ang marked money ng poseur-buyer bandang 12:10 ng madaling araw, ayon kay Tangdol.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article ll ng R.A. 9165 ang dalawang suspek.

AUTHOR PROFILE