Dizon

2 timbog sa acts of lasciviousness sa metro

September 25, 2022 Jonjon Reyes 169 views

ALINSUNOD sa direktiba ni Manila Police District Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon sa pinaiiral na Simultanious Anti- Criminality Law Enforcement Operations, dalawang lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng MPD- Moriones Police Station 2 sa magkahiwalay na lugar sa Pasay at sa Sampaloc, Manila, Sabado ng gabi at madaling araw.

Unang inaresto , bandang 10:30 a.m.sa tapat ng Pasay City General Hospital ang 31 anyos na suspek, binata, jobless, at taga-Pasay City.

Ayon kay Police Leutenant Harry Ruiz Lorenzo lll , Station Commander, ang akusado ay nasa talaan ng umano top three most wanted sa Station Level.

Ang suspek ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Jehan Batua Sampao- Hassiman, ng family court, Regional Trial Court Branch 11 ng Pasay, dahil sa paglabag sa Republic Act 8353 (Anti- Rape Law of 1997 ) na may petsang Setyembre 20, 2022.

Pinangunahan ni Police Major Christopher Quisumbing Del Mundo, hepe ng Station Warrant Section katuwang ang mga operatiba ng 6th Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Batallon sa pangunguna Police Major , Ronillo Aquino ang pag-aresto sa suspek sa tapat ng Pasay City General Hospital.

Iniutos ng korte ang piyansang P200,000 para sa pansamantalang paglaya ng suspek na nasa kustodiya ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Sa Sampaloc naman ay timbog ang na nasa top 4 wanted sa talaan ng pulisya. Ang suspek ay 50 anyos, binata at taga-Tondo.

Ayon kay PLt.Col.Lorenzo, bandang 1:30 p.m. nitong Sabado isunod na inaresto ang suspek sa pinagtaguan nito sa Moret St.

Ang suspek ay nasakote sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Mariesther Vedana ng Regional Trial Court Branch 48 ng Manila na may petsang June 2, 2022, dahil sa kasong Acts of Lasciviousness.

Ang pyansang nagkakahalaga ng P108,000 ang iniutos ng korte para sa pansamantalang paglaya ng suspek

Dahil dito, pinasalamatan at pinuri ni MPD- Director, Police Brigadier General Andre Perez Dizon si Lorenzo at ang mga tauhan nito sa mabilis na aksyon sa pag-aresto sa mga suspek.

AUTHOR PROFILE