Default Thumbnail

2 suspek sa ‘rape’ kalaboso sa Lipa, Rosario

March 25, 2023 People's Journal 229 views

CAMP GEN. MIGUEL MALVAR, Batangas – Dalawang suspek na lalaki na akusado sa mga kasong “rape” kamakailan ang arestado ng mga kapulisan sa magkaibang lokasyon sa Lipa City at sa bayan ng Rosario sa Batangas.

Ayon sa report kay Batangas police director Col. Pedro. D. Soliba ni Lipa City Police Station chief P/Lt. Col. Ariel B. Azurin, ang isa sa mga suspek ay isang jeepney driver, 29, na umano’y dating boyfriend ng biktima.

Sinampahan ng kaso ang tsuper ng biktima kasama ang mga magulang nito matapos na personal na nagtungo sa himpilan ng pulisya.

Ayon sa salaysay sa mga imbestigador, ang biktima ay sakay ng isang pampasaherong jeepney na minamaneho ng suspek.

Hindi umano napansin ng biktima na ang sasakyan ay patungo sa isang “lodge” sa Lipa City, at puwersahang siyang ibinaba umano at ipinasok sa kuwarto.

Mabilis na inihiga ng suspek ang biktima at sinabing “Huwag kang lalabas ng pinto at papatayin kita.”

At ilang sandali pa inalisan na ng suspek ang biktima ng damit at idinaos na ang kanyang makamundong pagnanasa.

Ayon pa sa biktima, matapos ang ginawang kahalayan ng suspek, ay nagbanta umano ito ng “Huwag kang magsusumbong kahit kanino, at papatayin kita! Papatayin ko ang asawa mo!”

Samantala tagumpay na nadakip ng mga kapulisan ng Rosario ang isang suspek sa kasong “rape and sexual assault” sa bisa ng isang warrant of arrest na inisyu noong Pebrero 16 ni Executive Judge Rose Marie J. Manalang-Austria ng Regional Trial Court (RTC), Branch 87 ng Rosario, Batangas.

Kasalukuyang nakapiit ang dalawang suspek sa magkaibang police station lock-up cell.

AUTHOR PROFILE